KATIIPUNAN ( WRITTEN REPORT)

February 26th, 2009  Tagged

PANIMULA:

 

                  ANG KATIPUNAN

       Ang isang tao na nasa loob ng isang bahay na nasusunog ay natural na kumilos  ayon sa kanyang saloobin o ants ng kanyang damdamin kung paano siya makakalabas o makakaligtas sa bingit na kamatayan. Hindi niya sasayangin ang kanyang oras at hahanapin agad ang daan papalabas ng nasusunog na bahay. Kahit sino ay ganito ang gagawin kapag nasa ganitong sitwasyon.

      Ganito din ang naramdaman ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol. Nakita nila na dapat nang humanap ng daan upang maipagpatuloy ang daloy ng pagsasarili, kalayaan at pagkakais. Ang pagkakatatag ng  Kataas-taasang Kagalang –galangan Katipunan ng mga anak ng Bayann ( KKKANB o KATIPUNAN ) ang nagging kasagutan ng nakakaraming mga Pilipino lalo na ng pangkaraniwang pilipino sa nagging kabiguan ng mga Propagandista. Massaabing may tatlong maituturing na nakaimpluwensya  nang  malaki upang maititag ang katipunan.a.) ang mga akdang isinulat ng mga propagandistasa mga nagging opisyal ng katipunan tulad ni Andres Bonofacio. b) ang tumitinding kahirapang naranasan ng mga Pilipino bunga ng pagbagsak ng ekonomiya at pagdanas ng kalamidad na lalo pang pinalala ng patuloy na pagpapahirap ng mga patakarang kolonyal.Mahalaga ang naging ginampanan ng Katipunan sa ating kasaysayan. Ito ang nagsilbing binhi ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mapaniil na pamahalaang Kastila. Tila bagang tayo ay ipinaaalalahanan ng makasaysayan Katipunan sa kasalukuyang sitwasyong ating kinasasadlakan.

 

 

 

PAGTALAKAY:

Pagkakatatag ng Samahan

Noong 3 Hunyo 1892, sa pagdating ni Jose Rizal sa Filipinas matapos ang kanyang paglalakbay sa Europa, kanyang itinatag ang La Liga Filipina – isang samahang nangangalap ng tulong at suporta mula sa mayayaman at may pinag-aralan, o Ilustrado. Sa likod ng patuloy na pagsuporta nina Domingo Franco at Andres Bonifacio, hindi nagtagal at nabuwag din ang samahan. Nahati ito sa dalawang pangkat – ang Cuerpo de Compromisarios at Katipunan.

Kasabay ng balitang pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892 ang pagtatatag ng Katipunan. Sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato Arellano, kasama ang ilang kasapi ng La Liga Filipina, ay nagtipon sa 314 Calle Azcarraga (na ngayon ay Daanang Claro M. Recto), malapit sa Calle Elcaño sa Tondo, Maynila. Sa munting tahanan dito ay kanilang binuo ang Katipunan. Itinataguyod ng samahan ang paggamit ng dahas at madugong rebolusyon, sa halip na mapayapang repormasyon na adhikain ng La Liga Filipina, upang makamit ang tunay na kalayaan. Batid ng mga Katipunero ang naiibang pananaw ni Jose Rizal sa usaping kalayaan. Ngunit sa kabila nito, kinilala nila si Rizal na pangulong pandangal (o honorary president) ng samahan.

 

 

 

 

  II. BUOD

     Umiikot ang adhikain ng Katipunan sa konseptong “pamilya” at pagnanais na magkaroon ng isang patas na lipunan. Bilang Supremo ng Katipunan, pangarap ni Bonifacio ang makapagtatag ng isang bansang kikilalaning “Inang Bayan” na pamumunuan ng isang pamahalaan na tatawaging “Haring Bayang Katagalugan.” Ito ay kanyang ibinalangkas sa lipunang matriyarkal ng sinaunang Filipinas, kabaligtaran ng sistemang ipinakikilala ng mga Espanyol. Hangad ng mga Katipunero ang tuluyang pagkawala ng Filipinas sa burukrasyang Espanyol at pagtatatag ng estado na pamumunuan ng mga katutubo. Naniniwala din sila na ito’y makakamit lamang sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan. Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan n͠g mg̃a Anak n͠g Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa  ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.

     Naitatag ang Katipunan matapos mahuli ang mga pangunahing miyembro ng La Liga Filipina, na itinatag ni Dr. Jose Rizal, na kung saan miyembro rin si Bonifacio. Ang La Liga na binubuo ng mga middle class na intelektual ay nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol.

     Ang armadong pakikibaka ng Katipunan ay nagsimula noong Agosto1896, pagkatapos natuklasan ng mga awtoridad ang Katipunan. Sinisi ng mga Espanyol si Rizal, na itinuturing ng Katipunan bilang pangulong pandangal, sa paghihimagsik at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril noong Disyembre 30, 1896. Ang pagiging martir ni Rizal, gayon pa man, ang nagdagdag alab sa rebelyon, at sinisigaw ng mga Katipunero ang Mabuhay si Dr. Jose Rizal! sa pakikidigma.

      Si Teodora Patino, isang manunulat ng pahayagan ng Diario de Manila, ay ibinunyag ang tungkol sa Katipunan sa kapatid niyang si Honoria. Hinikayat ni Honoria ang kapatid na ikumpisal ang tungkol sa samahan kay Padre Mariano Gil. Nakipag-ugnayan si Padre Gil sa mga awtoridad at noong Agosto 19, 1896 nilusob ng mga Espanyol ang palimbagan ng Diario de Manila.

III.PAGTALAKAY:

Si Rizal at ang Katipunan

May mataas na pagtingin ang mga Katipunero sa talino at kakahayan ng dakilang si Jose Rizal at sa katunayan pa nga ay kinilala siyang pangulong pandangal ng samahan.

Bago ang paghihimagsik ni Bonifacio at ng Katipunan, pinadala niya bilang delegado o emisaryo sa Dapitan si Dr. Pio Valenzuela upang kuhanin ang suporta ni Rizal. Sa kanilang pag-uusap, di sumang-ayon si Rizal sa nais ng Katipunan na simulan ang laban sa mga Espanyol sa paniniwalang di pa lubusang “hinog” ang samahan – masyado pang bata ito at marami pang kinakailangang iwasto dito. Ayon din kay Rizal, kinakailangang kunin ng mga Katipunero ang suporta ng mga mayayaman at mga ilustrado upang matiyak ang tagumpay ng hangad nilang kalayaan. Maliban sa hindi pa handa ang Katipunan, kapus/salat din sa makinarya ang samahan.

Pinagsabihan din ni Rizal si Valenzuela na hingin ang tulong at serbisyo ni Antonio Luna at gawin itong tagapamagitan sa mga mayayaman. Makailang ulit ding hiningi ng mga Katipunero ang suporta ng mayayaman at intelektwal, kabilang na dito ang isang nagngangalang Francisco Roxas, ngunit lahat nang ito’y nauwi lamang sa wala. Dito nila napagtanto na ang himagsikan, maging ang kilusan, ay pawang binubuo lamang ng masa, at wala ng iba.

ANDRES BONIFACIO

” Andres Bonifacio Matapang na Tao….” 

 

Si Andres Bonifacio ay isinilang kila Santiago Bonifacio at Catalina de Castro, isang mestisang Kastila sa isang kubo sa Tondo, Manila noong ika-30 ng Nobiyembre, 1863. 

Inumpisahan niya ang kanyang unang pag-aaral sa paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu. Tinapos lang niya ang mababang paaralan, at sa gulang na 14 ang mga magulang niya ay namatay, na siyang pumilit sa kanyang ihinto ang kanyang pag-aaral at alagaan ang mga nakakabata niyang kapatid na babae at lalake. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. 

      Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakauinting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang “Les Miserables” ni Victor Hugo, Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Ang mga aklat na ito ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896

      Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham

 

TALASALITAAN:

 KKK-  Kataastaasan,Kagaang-galangan Katipunan ng mga Anakng Bayan o Katipunan.

♠ Rejuvination- Pagkuha ng lakas o paghahanda sa isang bagay na gagawin.

♠ Nasyonalismo- Pag-ibig at pagmamahal sa bayan.Diwang maka-bayan

 

PAGPAPALAWAK  NG KAALAMAN:

TAMA O MALI:

_____1. Si Andres Bonifacio ang nagtatatag ng tinatawag natin na kilusang Katipunan

_____2. Kakaiba ang idelohiya ng mga Pilipino sa kilusang propaganda.

_____3. Higit na tapang at lakas ang nararamdaman ng isang leader. Tapang at lakasng   loob sa pakikipagsapalaran ng kanynag buhay.

_____4. Lingid sa kaalaman ni Rizalna ginamit lamang ng samahan ang kanyang panagalan para makahanapo makakuha ng maraming kasami para sa nasabing samahan.

_____5. Dahil sa kilusang ito,

 


BULACAN STATE UNIVERSITY

MALOLOS, BULACAN
COLLEGE OF EDUCATION

 

 

WRITTEN REPORT IN RIZAL’S LIFE AND WORKS

ANG KATIPUNAN AT

 ANG PAGTATATAG NG KATIPUNAN

SUBMITTED BY:
AIREEN IRANZO SANTOS

SUBMITTED TO
MR. DANIEL SAAVEDRA ORTEGA

 

 

FEBRUARY 06,2009




Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.