Bayaning 3rd World (Third World Hero)

February 22nd, 2009  Tagged

Ang penikulang “Bayaning Third World” sa direksyon ni Mike De Leon ay isang pelikula na nagpapakita ng pagiging kritikal at hindi basta basta pagtanggap ng mga bagay na nakasanayan. Bukod sa ang Pilipinas ay kabilang sa Third World, o dun sa mga bansang nasakop ng mga kanluranin noong panahon ng merkantilismo at ngayon ay napag-iiwanan ng mga kabilang sa First World, ang ibig sabihin din ng penikulang ito, si Rizal bilang Third World ay marupok. Ito ay ipinakita ng mabasag ang figurine na nasa imahe ni Rizal.
Hindi ordinaryo ang pelikulang ito. Dito ipinakita ang mga kahinaan ni Rizal at na wala siyang ipinagka-iba sa mga iba pang bayani. Hindi ito tulad ng mga ibang penikula ni Rizal na puro papuri at puro mga magagandang bagay ang ipinapakita. Dito rin kinuwestiyon ang relasyon ni Josephine Bracken at Rizal. Sinasabing napakamalas ni Josephine Bracken na nagging ka-relasyon niya si Rizal dahil naman kasi sa kung sino ang mga taong nakakahalubilo ni Rizala ay nasasama sa historya at ganun din kay Josephine Bracken na naugat pa ang kanyang pagkatao. Pati ang relasyon nila ay kinuwestiyon at pinaghihinalaan siyang espiya lamang ng mga prayle kay Rizal. Masakit ito para kay Rizal. Ano man ang katotohanan si Jopsephine Bracken lang ang may alam. Katotohanan? Sinasabi nga rin palang sinungaling daw itong si Josephine Bracken dahil sa hindi magkaktugma ang mga pahayag nitong si Josephine Bracken. Tulad na lamang ng pagsabi niya na ikinasal sila nguinit wala naman siyang mailabas na dokumento. Wala talaga siyang habol sa mga naiwan ni Rizal dahil hindi talaga sila kasal at nagsama lamang ang dalawa. Ipinapakita sa ibang pelikula na ikinasal nila ang kanilang sarili sa ilalim lamang ng puno dahil na rin ayaw silang ikasal ng simbahan dahil si Rizal ay isang Filibustero.
Sa pamamagitan ng pagsasadula ng pagpunta nila Ricky Davao at Cris Villanueva sa kapanahunan ng pagkabuhay ni Rizal, naipakita ng malinaw ang mga saloobin ng mga tauhan at ang gusting ipakita ng director.
May mga katatawanan din na tulad ng paggamit ng mga patalastas. Sinasabi kasing si Rizal ay ipinangalan na sa lahat ng mga pwedeng ipangalan. Nakakatawa lang ang paggawa ng patalastas na deodorant.
Nagpakita din sila ng mga alternatibong pangyayari bago ang pagkamatay ni Rizal sa mga nakakatawang eksena.
Naging maganda ang kabuuan ng pelikula. Naging malaman ito at edukasyonal pa rin ang dating nito.
Naniniwala ako na hindi maganda na puro na lamang mga magagandang bagay ang naririnig at nalalaman kay Rizal dahil ito ang nagdudulot sa ilang mga Pilipino na sambahin siya at gawing santo. Mainam na balanse ang mga bagay na nalalaman natin tungkol sa buhay ng isang pambansang bayani dahil kahit na siya ang pambansang bayani ay simpleng tao pa rin siya. At kapag nalaman at naiintindihan natin na simpleng tao rin siya, maiisip natin na kaya rin nating gawin ang mga nagawa niya at na hindi siya mahirap abutin.

Naibigan ko ang pelikulang Bayaning third world dahil para itong isang paglilitis. . Pupuntahan ng dalawang filmmakers isa isa ang lahat ng tao sa buhay ni rizal at isa isa nila itong pipigain ukol sa mga bagay na kanilang nalalaman at pagtingin sa ating pambansang bayani. Ngunit sa bandang huli ay kanilang personal na uusisain si rizal sa kadahilanang hindi nila maintindihan ang lahat nga mga pinagsasabi ng kanilang mga napagtanungan.
Binabalak naman nila na parang pagtuunan ng pansin ang personal na buhay ni rizal dahil nga ang tingin ng karamihan ng Pilipino kay rizal ay maaring ihawig sa paraang medyo mythological. Sa aking palagay, hindi ata nila ito napagtagumpayan dahil ang dating pa rin sa akin ni Rizal ay maihahalintulad kay Gagamboy na nakapagpabagsak ng isang imperyo sa pamamagitan ng pagsulat lamang. Maganda ang layunin nila, pero hindi ko maramdamang puwede akong makipaglokohan kay Rizal, yung para bang maari ko siyang tawagan sa telepono at anyayahan siyang makipagtalakayan tungkol sa Dota.
Sa tingin ko marami pang pelikula ang maaring gawin sa kanyang tungkol sa kanyang kagitingan,mga nagawa at buhay, at marami pang mga henerasyon ang lalong hindi makakaunawa sa kanya. Nabanggit nga sa Bayaning third world, “kanya-kanyang Rizal iyan”. Depende sa kung sino ang nagsasalita (o sa kaso natin, sa kung sino ang may hawak ng kamera), ibang Rizal ang maipapakilala sa atin.

Bayaning 3rd world means marupok and 3rd class. Bayaning 3rd World. Film about making of Jose Rizal on what’s him as a whole. Nothing is taking for granted should some say. Even the heroism of our national hero, a question and doubt why Rizal proclaimed our national hero or it was a sin to think of it. This film maybe a forbidden likes to watch but it’s a legal to.

“Sa mismong pook na ito si Dr. Jose P. Rizal ay pinatay sa pamamagitan ng firing squad sa ganap na ika-7:03 N.U., Ika-30 ng Disyembre 1896.”

“On this very site Dr. Jose P. Rizal was executed by a firing squad at 7:03 A.M., 30 December 1896”

Jose Rizal. How is he? Philippine National Hero? The Great Malayan? The only “Indio Bravo” they say. What is Rizal? A Piso Coin? Even if piso coin was always devalued now, but it was number one always. Rizal as a dog, compare to an “Aso”.

1904 when Bishop Gregorio Aglipay founded his own church organization, when he gave birth to Rizal as a Saint or “Santo” name their group the “Rizalist”. San Jose Rizal? Cult or “Kulto” made him a “Diyos ng Katagalugan”, a religion praising Rizal.

1912, Philippine new era for cinema and film making. Two American filmmakers did the movie about Rizal. Edward Gross filmed the life of Jose Rizal, and Albert Yearsley only shoots only the execution of Rizal.

December 30, 1896 when Rizal was gun downed by the Spaniards. “Viva Espana! Muerte a Los Traidores”, shouted by Spaniards after Rizal’s body fell down, a dog howling as crying near the dead body.

After the crime of Rizal. He inflames the heart of the Filipinos. At last Spain colony to American, and then Japanese, and then American again. Until the Filipinos win back their country in literal way but I thinks its not until now.

“Viva el Dr. Jose Rizal!”

Praises by some Filipinos for Rizal’s Noli Me Tangere and El Filibusterismo.

“Ako’y isang katoliko. At sa relihiyonh ito nais kong mabuhay at mamatay. Binabawi ko ng buong puso ang anuman sa aking mga salita. Mga sinulat na di sangayon sa aking pagkatao. Bilang anak ng inglesia

Isang Reaksyon para sa pelikulang “Bayaning Third World”

Ang pelikulang pinamagatang “Bayaning Third World” ay mistulang isang detective story ukol sa ating pambansang bayani, Si Dr. Jose Protacio Mercado Alonso y Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal

Sa pelikulang ito makikilala ang ating pambansang bayani sa isang mas malalim na perspektibo — higit na komprehensibo kaysa sa mga karaniwang isinasalaysay sa mga libro ng kasaysayan. Ika nga ng isa sa mga direktor, “Nothing is taken for granted,” dahil sinaliksik nito ang iba’t ibang panig ukol sa pagkabayani ni Rizal upang maging balanse ang paglalahad ng mga detalye. Hangad nitong ipaalam sa mga manonood ang mga iba’t ibang isyung bumabalot sa buhay ni Rizal at ang katotohanang nakakubli rito; subalit, habang tumatagal, mas marami silang nakikitang butas at mas marami pang mga katanungang naiwan na walang kasagutan.

Dito, tulad ng nabanggit sa itaas, tinalakay ang mga isyung bumabalot hinggil sa buhay ni Rizal. Sa pelikulang ito, ang unang isyung tinalakay ay ang kanyang retraksyon. Totoo nga ba ito o hindi? Ito ang isa sa mga usapin na sinikap sagutin subalit hindi nabigyan ng sapat na ebidensya at kasagutan. Ayon sa mga historyador, di katakatakang tunay ang teksto subalit kuwestiyonable ang pirma. May mga lumalabas ng spekulasyon na ginaya ng isang kinatawan ng simbahan ang lagda ni Rizal upang palabasin na binawi niya ang lahat ng kanyang mga naisulat na laban sa pamamalakad ng mga Kastila. Sinasabing si Padre Balaguer ang Heswitang nakasama ni Rizal sa kanyang mga nalalabing oras. Ayon sa kanya, totoo raw ang ginawang retraksyon ni Rizal at tunay siyang nagbalik-loob.

Kaugnay ng isyu ng retraksyon, lumulutang din ang kaduda-dudang relasyon nina Josephine Bracken at Rizal. Sinasabing ginawa ni Rizal ang retraksyon upang tanggapin siya muli ng simabahan para pahintulutan silang magpakasal ni Bracken. Diumano, kahit na gawa na ang retraksyon, hindi pa rin ito nilagdaan ni Rizal sapagkat hindi nasunod ang kanyang kahilingan na siguraduhin ang pagpapakasal nila ni Bracken. Sa kabila nito, pinagpipilitan pa rin ni Bracken na sila ay nagpakasal ni Rizal, ngunit nang hinanapan siya ng marriage contract, wala siyang napakita at ang tangi niyang sandata sa pagpapatunay na nagpakasal sila ni Rizal ay ang kanyang pag-ibig kay Rizal kahit na may kumakalat na balita na may tinatago siyang relasyon sa isang prayle. Napatunayan ito dahil sinundan siya ni Trining, ayon kay Narcisa.

Ang paglulunsad din ni Rizal ng tahimik na rebolusyon ay umani ng iba’t ibang batikos. Sa kabila ng paghihikayat ni Pio Valenzuela na sumali si Rizal sa kanilang marahas na rebolusyon — ang Katipunan, tinalikuran niya pa rin ang rebolusyon dahil na rin sa kanyang paniniwala na hindi ito ang daan para makuha ang mga reporma na hinihiling ng mga Indio noon. Ngunit, kahit na ganap ang pagtanggi ni Rizal, ginamit pa rin ng mga Katipunero ang pangalan ni Rizal sa pagtatag ng kanilang samahan nang walang pahintulot galing sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, itinuring ni Narcisa na isang biktima ng rebolusyon si Rizal.

Sa pananaliksik at imbestigasyon ng dalawang direktor, hindi nakapagtatakang mabago ang kanilang pananaw kay Rizal. Dati’y tinuturing nilang bayani at halos perpekto si Rizal tulad na lamang ng mga nakalahad sa mga libro ng kasaysayan; ngunit, habang lumalalim ang kanilang imbestigasyon, nagkaroon sila ng ideya na isang marupok at mahinang tao si Rizal lalung-lalo na kapag napatunayan na ginawa niya ang retraksyon dahil lamang sa kanyang kontrobersiyal na “dulce extranjera”. Ayon sa isa sa mga direktor, nakapagtataka nga raw kung bakit tinaguriang pambansang bayani si Rizal. Ito pa rin ang tanong na naiwan sa isip ng mga direktor.

Kung ako ang tatanungin, nabago rin ang pagkakakilala ko kay Rizal matapos kong mapanood ang pelikula. Bago ko mapanood ito, itinuring kong napakadakila ni Rizal at may iilan lamang na pagkakamali ang nagawa niya sa tana ng kanyang buhay. Sa kantunayan, sa tuwing ako’y tatanungin kung sino ang nararapat na bayani, ang lagi kong sagot ay si Rizal dahil pabor sa akin ang mapayapa niyang paghihimagsik. Ngunit nang mapanood ko ito, napagtanto ko na tao rin pala si Rizal, nagkakamali. Subalit ang bagay na hindi katanggap-tanggap sa aking palagay ay ang pagbaliktad niya ng sarili niyang mga akda sa pamamagitan ng isang retraction letter na binigay niya sa mga prayle; at ang mas hindi katanggap-tanggap ay ang paggawa niya nito para lamang sa isang babaeng may kuwestiyonableng katauhan at hanagarin. Sabihin na nating peke ang pirma o marahil hindi niya ito pinirmahan, ngunit ang simpleng katotohanan na ginawa niya ang retraction letter (ayon sa mga historyador, malaki ang posibilidad na tunay ang teksto) ay nagpapahiwatig na talagang may plano siya na baliktarin ang kanyang mga gawa at paniniwala. Pero hindi ko sinasara ang aking pag-iisip na hindi tunay ang retraction letter, nagkataon lang na sa mga panahong ito, mas nananaig ang paniniwala kong totoo ang paggawa ni Rizal ng retraksyon.

Sa kabila ng kanyang pagpapakita ng karupukan, may mga bahagi pa rin sa pelikula na pinapakitang may paninindigan si Rizal. Isang halimbawa nito ay ang pagpanig pa rin niya sa paniniwalang hindi sagot ang marahas na rebolusyon para taglayin ng mga Pilipino ang kalayaang kanilang inaasam. Napatunayan na itong totoo sapagkat kahit sa mga aklat ng kasaysayan ay nakalimbag ang mga detalyeng ito — ang pagtanggi niya sa alok ni Dr. Pio Valenzuela sa pagsali sa marahas na pakikipaglaban sa mga Kastila; kaya naman naniniwala ako sa pahayag ni Narcisa na isang bikitima ng rebolusyon si Rizal. Isa pang dahilan ng aking paniniwala sa pahayag ni Narcisa ay ang paggamit ng Katipunan ng pangalan ni Rizal sa pagkakatatag ng kanilang samahan kahit na walang pahintulot. Ika nga ng gumanap na Rizal sa pelikula, “Paano ko malalaman na natatag ang Katipunan? Patay na ako sa mga panahong iyon!”

Iba’t ibang tao, iba’t ibang Rizal. Bawat nilalang ay may kanya-kanyang pagkilala kay Dr. Jose Rizal. Hindi rin naman maaaring husgahan ang paniniwala ng isang tao kay Rizal dahil simula’t sapul pa lamang, isang dakila at mala-diyos na Rizal ang ipinakilala sa atin ng ating mga guro. Hindi rin naman maaaring husgahan ang paniniwala ng isang tao ukol kay Rizal kung siya ay naniwala sa pelikula dahil wala pang sapat na mga ebidensiya na magpapatunay sa mga isyu inilahad sa pelikula. Samakatuwid, walang tama o maling pagkilala kay Rizal. May kanya-kanya tayong opinyon ukol kay Rizal. Ang lahat ay nakadepende sa tao. Sabi nga sa pelikula na hindi sapat ang isang pelikula para ipakita ang kadakilaan at mga nagawa ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal.

__________________________________________________________________

Nagandahan ako sa pelikulang ito. Sa una, maaaring hindi ito magustuhan o hangaan sa una dahil sa bigat ng tema na dinadala nito; subalit, kapag ito ay susuriing mabuti, mayroong mas malalim na perspektibo na pinapakita — isang perspektibo sa pagkabayani ni Rizal na hindi alam ng nakararami kaya naman naisip kong ilagay ito sa aking blog [kahit wala namang nagbabasa nito kundi ako... xD]

“KANYA-KANYANG RIZAL”

Kapag tinatanong ako noon kung sino si Rizal para sa akin, ang sagot ko – pambansang bayani – wala ng iba. Iyon naman talaga ang itinuturo sa atin sa paaralan, hindi ba? Pagdating ko ng kolehiyo, narinig ko ang asignaturang PI 100. Tinanong ko sa iilan kung tungkol saan ang PI 100 na ito. Ang sabi nila, “Maganda ‘yun! ‘Yung mga itinuro sa atin noong elementary at hayskul tungkol kay Rizal, naku, walang-wala kapag nag-PI 100 ka na! Makikilala mo ang tunay na Jose Rizal!” Eh … sino nga ba ang tunay na Jose Rizal?

May kanya-kanya tayong Jose Rizal, ‘yan ang sagot ko. Nakuha ko ang linyang ito sa pelikula na pinamagatang “Bayaning 3rd World”. Ang pelikulang ito ay patungkol sa isang direktor at isang scriptwriter na gumagawa ng isang pelikula sa buhay ni Rizal. Binalikan nila ang mga kontrobersiya at isa-isa nilang “kinausap” ang mga taong may kaugnayan sa mga usaping ito, kabilang na ang mga kapatid ni Rizal, at siyempre, si Rizal mismo. Binusisi ang mga kontrobersiyang ito, gaya ng Retraction Letter, ang pagpapakasal (o hindi) nina Joe at Josephine, at ang pagkakadawit ng pangalan ni Rizal sa pagbuo ng samahang-pangrebolusyon. Isa-isa ring lumabas ang mga pangalang Josephine Bracken, Padre Balaguer, ang ina niyang si Donya Lolay (o si Donya Teodora Alonzo, dahil hindi naman daw niya ako kaano-ano) at ang mga kapatid niyang sina Trinidad, Narcisa, at Paciano. Sa mga pag-uusap na iyon sa pelikula, napansin kong wala pa ring nabuong iisang sagot, kung hindi ay nagbigay ito ng kapangyarihan sa mga manunuod para maghusga ayon sa kanilang pagkakaintindi. Nag-iwan ito ng maraming katanungan na ikaw lamang din sa sarili mo ang makakasagot.

Kanya-kanyang Jose Rizal…

Si Rizal…naninigarilyo?

“Ang Rizal na kilala namin ay hindi naninigarilyo!”- ika ni Ricky Davao sa pelikulang “Bayaning 3rd World”. Sigurado nga ba tayong si Rizal ay hindi naninigarilyo? At ano naman kung naninigarilyo siya? O kaya naman ay nagtatabako? Sino ang nagsabi na ang isang bayani ay hindi dapat naninigarilyo? Hanga ako sa sagot ni Rizal sa tanong na ito ni Ricky Davao. “Ilang taon niyo na akong pinag-aaralan ngunit hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin ako kilala!” Kahit sino pa siguro na matalinong tao diyan ay hindi kailanman maipapaliwanag o maipapakilala ang tunay na Jose Rizal dahil kung may isang tao man na tanging makapagsasabi nito ay walang iba kung hindi si Jose Rizal. Sa panahon ngayon, marami nang nailathala na mga akda patungkol sa pagkatao (o pagkabayani) ni Rizal, at nahahati ang mga iyon sa dalawa: depende kung ang manunulat ba nito ay panig kay Rizal o hindi. Sa aming mga babasahin sa PI 100, marami sa mga ito ang halata kung sino nga ba sa mga manunulat ang mga Rizalista (o panig kay Jose Rizal) at kung sino naman ang mga hindi. Para sa mga Rizalista, pilit na pinapabango ang kanyang pangalan sa kanilang mga salita, at pawang ipinapakita na si Rizal ay masyadong magaling para makagawa ng pagkakamali. Kung kaya’t hindi na ako magtataka kung ang ibang tao ay maging Rizalista na rin sa kadahilanang hindi sila marunong pumili at magtanong kung ang kanilang nababasa ay patas na pagtingin. Laking pasalamat ko na lamang na itinuturo sa unibersidad ang pagkilatis sa mga bagay-bagay, na huwag kaagad maniniwala sa mga nababasa kahit gaano pa man kagagaling ang mga pagkakalapat ng mga salita, na maging kritikal. Ngunit kung minsan nga ay nasusobrahan. Malamang ay magkaroon din ng mga taong ayaw kay Rizal, at maaring sa parehong kadahilanan din. Mahirap makilala ang taong patay na. Puro kuro-kuro at mga hula na lamang. Puro pag-aaral na may mga katanungan at butas pa rin.

Kanya-kanyang Rizal…

Si Rizal, ang taong naka-ukit sa piso.

Si Rizal, ang lalaking istatwa sa Luneta.

Si Rizal, ang pangalang ibinigay sa iilang lugar, kalye, at pati na rin sa mga punerarya.

Naaalala ko nung mga unang linggo ng aming semestre, inatasan kami na kumuha ng mga panayam sa mga iba’t-ibang uri ng tao upang tanungin kung sino si Rizal para sa kanila. Ang iba’y nagsabi na siya ay bayani, at ang iba naman ay mas malala pa ang sagot sa aking nabanggit sa itaas.

Isang bayani.

Ano nga ba ang “bayani”? Dahil nga lang ba namatay si Rizal kaya siya tinawag na bayani? Kaya siya pinag-aaralan ngayon? E paano nga ba kung hindi namatay si Rizal? Siya pa kaya ang tinanghal na pambansang bayani? Sa pelikula, “nakapanayam” ng scripwriter si Paciano, at isa ito sa mga nagustuhan ko na pahayag niya: “Ang isang bansang nangangailangan ng bayani ay hindi kailangang pagbuwisan ng buhay.” Hindi dahil sa binaril siya kaya siya naging bayani. OO, hinanap nga ni Rizal ang kamatayan, pero hindi para maging isang bayani. Malinaw niya pang ipinagbilin na ayaw niya na magkaroon ng anibersaryo o kahit ano pang pag-gunita. Pero anong nangyari? Paumanhin, Ginoong Pepe, ngunit para sa akin, patay ka man o buhay, may anibersaryo o wala, ikaw pa rin ang pambansang bayani.

Kanya-kanyang Jose Rizal…

Ngayon, ibabahagi ko sa papel na ito kung sino si Rizal para sa akin. Kagaya ng aking nabanggit, si Rizal ang pambansang bayani. Nabuo ang sagot na ito sa dalawang paraan. Una, dahil ito nga ang nabuong pagkakakilala ko sa kanya dahil na rin sa mga sinabi ng aking mga guro at magulang noong elementarya at hayskul. At pangalawa, dahil sa malalim at masaya naming pagdidiskusyon sa asignaturang PI 100 – JR sa klase ni Sir Isko. Para sa akin, ang isang bayani ay siyang may tunay na pagmamahal sa bayan. Naniniwala akong sapat na ang pagmamahal na iyan para tawagin kang isang bayani, dahil ang pagmamahal na iyan ang magbibigay sa iyo ng lakas para lumaban kung naaapi, tumayo kung madapa man sa mga pagkakamali, gumabay sa iyo kung paano maipapakita sa iba lalo na sa mga dayuhan ang pagmamahal na iyan, at magtutulak sa iyo na lalong pag-ingatan at mapanatili ang kabutihan at pagmamahal na mayroon ka sa susunod na henerasyon. Ngunit, ang pagiging bayani ay hindi katumbas ng pagiging isang diyos. Si Pepe ay tao. Hindi perpekto at walang mahika. Nagkakamali at may damdamin. Ang isang salitang binitawan, kapag inalis mo sa konteksto, ay magkakaroon ng ibang kahulugan. Kung kaya’t ang mga salitang binitawan ni Rizal, kabilang na ang mga nobela at iba pang mga akda niya, ay magkakaroon ng iba’t ibang mga kahulugan base sa mga interpretasyon ng mga taong bumabasa sa kanya, lalo na kung hindi mo pag-aaralan o babalikan ang konteksto na pinanggalingan ni Rizal. At ang mga interpretasyon na ito ay maaring tanggapin at paniwalaan ng publiko, ng mga mambabasa, ng mga makakarinig, ng bawat Pilipino, lalo na kung mahusay at kilalang tao ang magbibigay ng interpretasyon na ito. Bakit? Dahil wala na naman si Rizal para bigyang linaw at paliwanag ang kanyang sarili. Mas malala pa nito, si Rizal ay patay na at nangangahulugan lamang na wala ng pag-asa na maipaglaban pa ang sarili sa mga tumutuligsa at mga naninira sa kanya; mga taong inilalagay si Rizal sa maling konteksto.

Ang depinisyon ko ng bayani ang siya na ring susuporta sa aking paniniwala na ang mga bayani ay hindi lamang sila na ating nakikita sa mga libro ng kasaysayan o iyong mga larawan na nakikita natin na nakasabit sa munisipyo o sa pera. Siya na may pagmamahal sa bayan ay isang bayani, at mas lalong hindi mo kailangang mamatay para tanghaling bayani. Mag-aaral ka man o propesyunal, may trabaho o wala, kung ikaw sa sarili mo ay alam mong kaya mong ipaglaban ang sarili mong bansa at naglalayon kang maging ehemplo sa kapwa mo Pilipino, saludo ako sa iyo, bayani! At salamat kay Rizal, na siyang naging pangunahing ehemplo sa atin. Tama nga ang sinabi nila… Talagang mag-iiba ang pagkakakilala mo kay Jose Rizal kapag napag-aralan mo ang buhay niya sa asignaturang PI 100. Mas nabigyang linaw sa akin ang kahulugan ng salitang “bayani”, naturuan ako na magmahal sa bayan kahit sa mga simpleng pamamaraan, nakilala ko si Jose Rizal sa ibang perspektibo at angulo, at napagtanto ko na siya
ay tao… nangarap, nagtagumpay, naghirap, at malamang ay may mga pagkakamali. Ito ay aking opinyon lamang. Sa huli ay kanya-kanya pa rin naman tayong Jose Rizal.